Linggwistikang Pangmigrasyon: Pagpapakilala sa Isang Sumisibol na Disiplina
Ariane Macalinga Borlongan, Kenichiro Kurusu
Volume:
57
Year:
2026
Issue:
Special Issue
Pages:
–
5
19
Date of publication:
June 3, 2026
Ang migrasyon ay isang saligang katangian ng makabagong mundo at ang wika naman ay ang ubod at puso ng migrasyon. Ang papel na ito ay nagpapakilala ng linggwistikang pangmigrasyon bilang isang sumisibol na disiplina ng linggwistika. Una, tinatalakay nito ang kasalukuyang kalagayan ng pandaigdigang migrasyon at bakit may mahalagang papel ang wika sa migrasyon sa kasalukuyan. Ikalawa, pinapakilala nito ang linggwistikang pangmigrasyon bilang isang makabuluhan at kailangang subdisiplina ng linggwistika. Ikatlo, inilalahad nito ang pangwikang teorya ng migrasyon Ikaapat, pinapaliwanag nito ang proseso ng pagkatuto at pag-aangkin ng wika ng mga migrante. Ikalima, pinag-uusapan nito ang mga panlipunang dimensyon ng paggamit ng wika sa konteksto ng migrasyon. Ikaanim, nilalarawan nito ang mga estruktural na epekto ng migrasyon sa mga wika at baryante ng wika. Ikapito, tinutukoy nito ang mga karapatan sa wika at mga patakaran at programa na may kaugnayan sa mga migrante. Sa huli, binabalangkas ng papel na ito ang mga gawain para sa linggwistikang pangmigrasyon sa Pilipinas.

